Street Sweeper (An Introduction to the Prologue)
Heto na naman ako, isa na namang maalikabok na gabi kung saan iniikot ko ang paligid ng gusali, naghahanap ng mga bagay na hindi naman talaga dapat hinahanap. Pilit ko paring winawalis and mga abo na galing sa sigarilyo na madalas tangayin lang ng hangin. Ang tanging laman ng dustpan ko ay ang upos ng Marlboro, Winston at mangilan-ngilang Phillip na ni-yosi ng kung hindi guwardya ay mga nag daraang Construction Workers sa kalapit na ginagawang gusali. Hindi pa kita nakikita simula kanina, marahil nakaligtaan mo na "break" mo na pala o maaaring wala kang dalang yosi. Hindi ko talaga alam... Ayos lang, sigurado naman bababa ka sa oras ng iyong pagkain. Nakakatawa dahil pareho tayo ng buhay, baliktad, habang ang lahat ng tao ay natutulog o namamahinga, heto tayong pareho kumakayod para sa mga sarili nating dahilan. Ang pinagkaiba lang, mas malaki sigurado and sinasahod mo kumpara sa kakarampot na naiuuwi ko... Dumaan pa ang ilang oras subalit ni anino mo'y hindi ko nasulya...