I LovED you, Goodbye... (para kay Mae)
Sometimes we even finish... Nakakalungkot isipin na parang hanging dumaan lamang ang naging relasyon natin. Tila ba ilang dekada na ang nakaraan nang huling hawakan ko ang iyong kamay na may bahid ng pagmamahal. Naisang tabi na nga ba ang mga pinagsamahan na noo'y maliligayang ala-ala subalit ngayo'y ikinahon at pinagpatong-patong at ibinalandra sa pinaka maruming sulok ng ating mga gunita. Naaalala ko pa ang una nating pagkikita, hindi ako makababa sa sasakyan sa matinding kaba na baka madismaya ka, iyon din pala ang iyong nadarama. Malaki ang naging tulong ng teknolohiya sa pag kukrus ng ating mga landas. Marahil mababaw, naging malalim naman ang pundasyon ng ating relasyon. Sino nga ba ang mag aakala na tatlong taon din ang itatagal ng ating pagsasama. Marahil maiksi subalit nawa'y naging makabukuhan sa'yo at napasaya kita kahit papaano Hindi ko na rin naman hinahanap ang lambing at yakap mo, 'di gaya ng dati na sa gabi ay yakap at hinahagkan ang unan ko, umaasan