Labing Isang Taon ng Baklaan
Sa kalye ng Mendiola. . . Kung saan nag halo ang balat sa tinalupan. Tubig at Langis, Dinayag sa Pinagkainan. Dahil 'ika nga nila: Hahalik din ang mga tala sa Lupa. Doon tayo nagkakilala... Pinagtibay ng pakikisalamuha sa mga kalye ng Pasay, Pawisan habang sakay sa Jeep at LRT TGIS: Tiis Gutom, Impok Salapi Tangan ay iilang barya, hindi pagagapi. Ligtas ka sa BF at Tierra Pura... Bakla! Kumportableng naka upo sa malamig na Auto Busog habang hinihithit ang stick ng Marlboro Naguumapaw ang pitaka. Nakakatuwang balikan ang ating mga pinagsamahan. Naaalala mo pa ba noong gumulong ka sa Glorietta? Eh nung nag yosi ka sa LRT station? At ilang beses ka bang tumawag sa Panginoon? Ang autong mabilis sa Libis. Ang pers lab mong si KC. Christian Albert Villanueva Rayala. Hinihika sa harap ni Malbarosa. Naroon pa rin ang puno sa tabi ng basketball court Ilang bote, yosi at chichirya na ba ang sinagupa natin do'n? Ilang beses mo ba sinubukang tumawag ng uwak sa ...