Koko Crunch
Naka alerto sa anumang maaaring mangyari habang naglalakad sa maruming kalsada ng Pasong Tamo. Hindi ako nakasisiguro na ang mga taong ito ay hindi mag tatangkang gumawa ng hindi mabuti. Nakakatawa dahil alam ko namang wala rin akong magagawa; kasabay ng panalangin na sana madaan sa angas ng mukha at yabang ng pustura. Ayoko rin namang mapahiya. Mabuti na lang at suot mo ang iyong jacket na nagkukubli sa hugis ng iyong katawan. Laking pasasalamat ko na kahit tirik na ang araw, suot mo pa rin ito. Kahit papaano mababawasan ang porsyento ng mga lalaking titingin sa'yo na ang ibig sabihin lang, lalaki ang porsyento na hindi ako mapapasabak sa anumang away o gulo. Awa ng Diyos, nakarating tayo ng maluwalhati sa Andok's. Na bawasan ang tinik na dumidiin sa malikot at pilyo kong imahinasyon. Aaminin ko sa'yo, madalas ako ang na susunod sa pag pili ng kakainin pero sa araw na ito, pag bibigyan ko ang hilig mo. Apat na araw na mahigit ko ding hindi makikita ang matamis na ngiti mo...