Koko Crunch

Naka alerto sa anumang maaaring mangyari habang naglalakad sa maruming kalsada ng Pasong Tamo. Hindi ako nakasisiguro na ang mga taong ito ay hindi mag tatangkang gumawa ng hindi mabuti. Nakakatawa dahil alam ko namang wala rin akong magagawa; kasabay ng panalangin na sana madaan sa angas ng mukha at yabang ng pustura. Ayoko rin namang mapahiya.

Mabuti na lang at suot mo ang iyong jacket na nagkukubli sa hugis ng iyong katawan. Laking pasasalamat ko na kahit tirik na ang araw, suot mo pa rin ito. Kahit papaano mababawasan ang porsyento ng mga lalaking titingin sa'yo na ang ibig sabihin lang, lalaki ang porsyento na hindi ako mapapasabak sa anumang away o gulo.

Awa ng Diyos, nakarating tayo ng maluwalhati sa Andok's. Na bawasan ang tinik na dumidiin sa malikot at pilyo kong imahinasyon.

Aaminin ko sa'yo, madalas ako ang na susunod sa pag pili ng kakainin pero sa araw na ito, pag bibigyan ko ang hilig mo. Apat na araw na mahigit ko ding hindi makikita ang matamis na ngiti mo, apat na araw ring walang hahawak sa kili-kili ko, uupo sa tapat ng mesa ko at mag papa-"cute", wala rin akong lilingon-lingonin at ngingiti-ngitian sa apat na araw na 'yon. Kaya hala, sige, um-order ka.

Litson-Kawali, Mais-Con-Yelo, Saging-Con-Tubig/gatas/yelo, Relyenong Bangus at apat na kanin para sa halagang humigit kumulang apat na daan. Mukhang kahit ang binayaran ko ay ipinapa-alala ang apat na araw na darating na hindi kita masusulyapan man lang. Ayos lang... Ayos lang naman...'Ika ko nga eh, "Petix lang"

Matapos ang llang oras ng tawanan, balitaktakan, biruan at asaran, ako ay uuwi na. hahanap-hanapin ko ang kili-kili mo... Nakakatawa pero totoo. Kung may isang bagay akong gusto sa katawan mo, iyon ay ang kaliwa't kanang kili-kili mo. Kahit basa s'ya, kahit hindi lahat ng balahibo ay na tatabas sa pag ahit mo, gusto ko pa rin s'ya.

Wala lang, ang labo ko talaga...

Comments

Popular posts from this blog

Nakakatawa Talaga Ver. 3

J.P. Morgan Sr.

I LovED you, Goodbye... (para kay Mae)