Posts

Showing posts from February, 2018

Merong Ako (Din): Sagot kay Eytshdee

Binasa ko ang kuwentong gawa mo tungkol sa 'ting dalawa Heto, at tapos na... At hinding-hindi ko makakalimutan... Makakalimutan na ilang buwan na pala ang lumipas. Lumipas nang sinuko mo... Isinuko mo ang pagmamahalan nating dalawa. OO nating dalawa, Walang mali kundi tayong dalawa.. Huwag mong isiping nag iisa ka.  Wala namang gulo kung sana'y nakikinig ka It takes two to Tango 'Yan ang laging sambit ko Ngayong hindi na buo and dating isa, Dinadaan mo ako sa 'yong mga tula Natawa ka ba sa biro ng ating tadhana? Mula ng masilayan ko ang iyong mata Akala ko'y Forever na... Babasahin kong muli ang kuwento mo Hayaan mong muling alalahanin ang bawat yugto Matagal man tayong nag sama... ngayo'y tila di magkakilala Isa Dalawa Tatlo Apat Lima