Merong Ako (Din): Sagot kay Eytshdee


Binasa ko ang kuwentong gawa mo tungkol sa 'ting dalawa
Heto, at tapos na...
At hinding-hindi ko makakalimutan...
Makakalimutan na ilang buwan na pala ang lumipas.

Lumipas nang sinuko mo...
Isinuko mo ang pagmamahalan nating dalawa.

OO nating dalawa, Walang mali kundi tayong dalawa..
Huwag mong isiping nag iisa ka. 
Wala namang gulo kung sana'y nakikinig ka

It takes two to Tango
'Yan ang laging sambit ko
Ngayong hindi na buo and dating isa,
Dinadaan mo ako sa 'yong mga tula

Natawa ka ba sa biro ng ating tadhana?
Mula ng masilayan ko ang iyong mata
Akala ko'y Forever na...

Babasahin kong muli ang kuwento mo
Hayaan mong muling alalahanin ang bawat yugto
Matagal man tayong nag sama...
ngayo'y tila di magkakilala

Isa
Dalawa
Tatlo
Apat
Lima



Comments

Popular posts from this blog

Nakakatawa Talaga Ver. 3

I LovED you, Goodbye... (para kay Mae)

Sang Ka na Ba?