I LovED you, Goodbye... (para kay Mae)

Sometimes we even finish...

Nakakalungkot isipin na parang hanging dumaan lamang ang naging relasyon natin. Tila ba ilang dekada na ang nakaraan nang huling hawakan ko ang iyong kamay na may bahid ng pagmamahal. Naisang tabi na nga ba ang mga pinagsamahan na noo'y maliligayang ala-ala subalit ngayo'y ikinahon at pinagpatong-patong at ibinalandra sa pinaka maruming sulok ng ating mga gunita.

Naaalala ko pa ang una nating pagkikita, hindi ako makababa sa sasakyan sa matinding kaba na baka madismaya ka, iyon din pala ang iyong nadarama. Malaki ang naging tulong ng teknolohiya sa pag kukrus ng ating mga landas. Marahil mababaw, naging malalim naman ang pundasyon ng ating relasyon. Sino nga ba ang mag aakala na tatlong taon din ang itatagal ng ating pagsasama. Marahil maiksi subalit nawa'y naging makabukuhan sa'yo at napasaya kita kahit papaano

Hindi ko na rin naman hinahanap ang lambing at yakap mo, 'di gaya ng dati na sa gabi ay yakap at hinahagkan ang unan ko, umaasang muling maaamoy ang natural na halimuyak ng balat mo. Hindi na rin ako kumakain sa Yellowcab at Shakey's sa Glorietta, bihira na rin naman akong magawi roon sa kadahilanang tambay na ako ng Trinoma ngayon. Tuwing dumaraan ako sa VNC, ikaw ang na aalala ko, ang kislap ng iyong mga mata at ang pangako na babalikan mo s'ya...

Salamat na lang sa lahat ng ala-ala, mapait at matamis, lahat ay pinapahalagahan ko. Salamat kay Tita Neva at Tito Miong, Kuya Mark at Ate Avi, kay Doy at Aling Luz, Ate Nancy at Tito Oca at Tatay, sa inaanak kong si Nash na hindi ko na nakikita... Maraming salamat Kay Nicole, ang anak na inaasam ko subalit kahit sa panaginip ay malayong mangyari.
Masaya ka na ba? Nahanap mo na ba ang kaligayahang ipinagpalit mo sa 'kin? Hinihiling ko lang na sana, hindi ka nagkamali. Sana'y matamis pa rin any iyong ngiti. Hindi ka sana n'ya paluhain, 'wag kang bigyan ng problema, at rason na muling lumisan pa
...Each other's sentences

Comments

  1. quite a sad account really.. but nonetheless these pain keeps us stronger.. after such learning curves, we can move on and be happy in another life with another one..

    ReplyDelete
  2. ^^^ Ouch! Yeah... spot on mate, spot on!! Although this entry is like a tribute and no longer an aftermath of a ruined relationship... I'm now happily attached.. ;-)

    ReplyDelete
  3. setting a loved one free is one of the best relief in the world. i admire you of bein strong enough..

    ReplyDelete
  4. hmmm mr B, for me, it's called big K. =D

    ReplyDelete

Post a Comment

Popular posts from this blog

Nakakatawa Talaga Ver. 3

J.P. Morgan Sr.