Profound

Nawala na ang misteryo ng iyong mga ngiti. Hindi na rin ako natutuwa sa mga maliliit na kalandiang ginagawa mo gaya ng pag sasalita ng matinis at pag arteng parang bata. Alam ko na wala ka rin namang pakialam sa nararamdaman at sasabihin ko. Wala rin naman akong pakialam sa'yo, simula ng nalaman ko ang totoo.

Tao lang tayo,alam ko, may mga pangangailangan, kagustuhan at kapalaluhan. Pero ang kapalaluhang ginawa mo, ang pangangailangan mo, ang na gustuhan mo... kakaiba.

Hindi kita hinuhusgahan, wala ako sa posisyon para gawin 'yon. Hindi rin naman ako nag mamalinis. Nais ko lang ilabas ang saluobin, kuro-kuro at opinyon. Gaya ng sabi ko, wala akong pakialam sa'yo.

Bilang pagtatapos, nais ko lang malaman mo na hindi s'ya ang sagot, hindi s'ya ang kailangan mo, hindi s'ya ang mag papaligaya sa'yo. Naniniwala pa rin ako na matalino ka. Gamitin mo...

Comments

Post a Comment

Popular posts from this blog

Nakakatawa Talaga Ver. 3

I LovED you, Goodbye... (para kay Mae)

08/30/09